Tuesday, November 30, 2010

What have I been up to lately?

Writing, writing, writing that's what. It's probably the only thing that I do from Mondays to Sundays. On weekdays, it's nothing but work (which involves boatloads of editing and proofreading), while weekends are completely devoted to finishing my third manuscript. I'm not complaining, though. What just sucks is that I rarely have the strength to write something worthwhile in my blogs (I keep 2 of them, btw).

Don't get me wrong, there are probably a bazillion things worth blogging about. Ang problema nakakatamad. I'd rather conserve what little writing strength I have to finishing the manuscript than cracking my head for something witty to blog about. Or siguro talagang nagdadahilan lang ako at umiiral na naman ang pagiging master procrastinator ko. Basta. Ang hiraaaaaap mag-maintain ng blog.

Hindi naman ako ganito dati. Araw-araw, halos walang mintis na nakakapag-blog ako. Ngayon...blech. Gumawa pa ako ng isang blog para dagdagan ang sakit ng ulo ko. Hahaha. Ewan ko ba. Wala lang talaga akong magawang matino sa buhay ko.

***

On another note, I just want to finish this third manuscript. I've been working on it for more than 2 months already, at nasa Chapter 7 pa lang ako. It's really a snail's pace as I can only write on weekends (tapos andami pang extra-curricular chuva na umeeksena sa pagsusulat ko), but I'm hoping to submit it by December (hopefully not on the last day of that month). I'm finally inching closer to writing the conflict, and God willing, be able to wrap it up. Akala ko pa naman since dibuho ko na dito si Zanjoe Marudo eh mabilis ko lang matatapos 'to...hindi rin pala. Hay. Tapos nag-a-ambisyon pa akong mag-series pagkatapos nito. Hahaha. Ano ba ang nakain ko?

Monday, November 8, 2010

MSV Grand EB

Naging kakaiba ang experience ko sa 1st Grand Fans Day Readers' & Writers' EB ng MSV. Una, umulan ng napakalakas sa Tandang Sora (kung san ako nakatira). Pangalawa, late na ako (dahil sa ulan). Pangatlo, tinatamad akong lumabas.

Mabuti na lang at nangibabaw ang kagustuhan kong magpunta sa EB.

Pagdating sa PETA Theater, mas lalo akong nangamote---wala pa ang mga kakilala kong sina Ching at Elise. Balahura man at madaldal ako online, iyon naman ang kabaligtaran in real life, lalo na sa mga hindi ko pa kilala ng personal. Mabuti na lang kumaway si Ms. Apple at naki-join ako sa table nila kahit wala akong kilala. Nakatabi ko ang isang matangkad na babae na naka-gray na blouse. Syempre, wala akong kamuwang-muwang na katabi ko na pala ang the great JM Oryza/Maan Beltran, 'di ba? Panalo talaga. Para akong tuod na hindi umiimik.

Mabuti naman at sa petsang iyon ay dumating na rin sina Ching at Elise. Nagsimula na ang pinaka-importanteng part ng program (ang pag-lafang, what else?), at talagang hinintay ko sila bago ako gumora sa table kung san nakahain na ang pagkain. Syempre, chika-chika sa kanilang dalawa kasi syempre sila lang ang kilala ko dun.

Pwersadong sinagot ni Elise ang slumbook ko. Pressure!
Hindi naman ganun ka-bonggacious ang program, although napakasaya ng event. Nakakatuwa yung mga parlor games kung saan karir kung karir para sa bragging rights ng mga nanalo. Kalurkey ang trivia contest kung saan naloka si Ching nang nanalo siya ng dog tag at namayagpag sa mga tanong patungkol sa Sentinels (luto! soli bayad!). Halos maloka din kami nang nagpa-raffle ng premium books, iPod shuffle at bunggang-bungga na cellphone (pero mas gusto ko yung premium books na prize...pero di rin naman ako papalag kung nanalo sana ako nung cellphone hahaha ambisyosa!). Hindi ko kineri ang raffle prizes, sa totoo lang. Sana nagpa-raffle din ng lalake baka nakipag-patayan pa ako nun hahaha!


Discounted books! Yebah!
All in all, masaya ang event. Nakilala ko na rin sa wakas si Madam Edith Joaquin at Carla Giopaolo. Nakakaloka ang mga nagpa-pirma ng libro...parang dala-dala nila ang MSV library nila. Natuwa ako sa mga dedication ng mga authors sa mga books. Alam mong personalized talaga kahit magkanda-kalyo na sila sa bundok ng librong pinagpi-pirma nila.

Si Elise at ang bundok ng books for autograph.

Kabog sa dedication!
Sa totoo lang, kelan lang ako nagbasa ng MSV. Pero sa sandaling yun, napagtanto ko (naks! epal!) na iba talaga yung community ng writers at readers dun. Nag-uumpisa pa lang akong gumawa ng marka sa pagsusulat, pero nakakatuwa (at nakaka-tats) na parang ka-baro na ang turing sa'yo ng mga seasoned authors. Hindi pa rin ako sanay kasi sino ba naman ako para makipag-hobnobbing with the bestselling authors, davah? Pero dahil sadyang epal ako, dedma! Haha, biro lang. Nakaka-inspire magsulat kapag ganung mga klase ng tao ang kasabayan mo, yung tipong hindi nagmo-monopolize ng knowledge at yung tipong tinutulungan ka pa para makapasa ang MS mo.

Hay nako, ang drama na ever ng entry na ito...it's so unlike me (chos!). Congratulations sa Bookware sa pagkakaroon ng ganitong ka-bungga na event. Sa uulitin!

Sinwerte din naman ako sa raffle. :)