Sunday, July 24, 2011

It's here!


Hindi ko aakalaing makikita ko rin at mahahawakan sa wakas ang aking 2nd manuscript...in book format.

Tama ang iyong nabasa. Ang story ni Jenna ay pangalawa kong sinulat. I initially thought unang lalabas yung story ni Annie (na bestfriend ni Jenna), pero keribels lang naman. Wala namang bearing kung alin sa kanila ang mauna, ang importante, may naimprenta na! Patago ko pa nga itong kinunan sa National Bookstore sa Megamall. Hindi ko sukat akalaing makikita ko sa NBS ang sinulat ko. Akalain mo?

Yun nga lang, hindi lang ako ang nasa nailimbag na libro. Kasama sa 2-in-1 si Ms. Dior Madrigal, isa sa mga suking authors sa MSV Desire. Marami na rin akong nabasa na akda niya, including the one in this book. Napakapalad ko naman na madikit ang pangalan ko sa isang sikat na manunulat.

Hindi rin ako makapaniwala na nagawa kong magsulat ng "fight scene" sa storyang ito. In fact, iyong mga sumunod ko pang sinulat (at isusulat) ay may kanya-kanyang rambol din. Parang nanonood lang ng bomba ang experience sa pagsusulat ng mga eksenang iyon. Buti na lang at di pa alam ng nanay ko na labas na ito, otherwise, baka kung ano ang isipin nun.

Anyway, natutuwa lang talaga ako na ang unang labas ng junakis ko eh mala-Premium pa! Gustong-gusto ko talaga yung cover, papel at pati na rin ng font sa mga Premium titles ng MSV. Mukhang swak pa yung cover mismo sa pagkaka-imagine ko sa mga pez nila Jenna at Gael. Maraming salamat sa MSV sa pagkakataong ito! (Feeling FAMAS, kaloka!)

Ayun lang. Sa mga bumili at may balak bumili, maraming salamat at sana maibigan niyo ang sinulat ko. Ngayon, kailangan ko nang apurahin ang sarili ko para makatapos na naman ng isang MS. Hehe. Hanggang sa muli!

Monday, May 9, 2011

Is dis it..pancit?

I got a text message from Apple over the weekend asking kung pwede daw pagpalitin yung order ng paglabas ng sinulat ko. 

Ito na ba yun? Jus ko sana buhay pa ako para masilayan man lang ang paglabas ng obra ko. Hahaha. Ang chaka!

Saturday, April 16, 2011

Stumped

Naiinis ako sa sarili ko. It's been more than 3 months since I last submitted a manuscript. More than 3 months. Parang iniwan ako bigla ng muse ko simula nung ma-adik ako sa kakanood ng Supernatural. Talaga namang ako ang nasa mali kasi isinantabi ko ang pagsusulat at piniling ma-burn out sa trabaho (I have a full time job that takes up almost half my life already). 

Siguro mali din yung dahilan ko kung bakit ako nagsusulat ng Tagalog romance. Dapat siguro magmuni-muni ako kung bakit pinasok ko ang demanding na mundo ng pagsusulat. I can almost hear the characters screaming in my head. Ngayon nagrereklamo na sila sakin kung bakit nawala ako sa momentum at hinayaan kong mamayani ang katamaran nitong mga nakaraang buwan. I feel a bit ashamed at myself dahil kapag nakikita ko yung mga kapwa ko manunulat sa larangan na ito ay parang iisipin ko na hindi dapat na ganito yung dahilan kung bakit ako pumasok dito para lang tamarin. 

Siguro naman natauhan na ako kahit paano, diba? Sana lang.

---

Eto matagal ko nang tinatanong: Kelan kaya ang labas ng unang MS ko? Para akong naiinip na natataranta na natatakot at nada-diarrhea. Kaloka.

Saturday, January 15, 2011

Buhay pa po ako & other random stuff

*checks last entry*

Huwaw. Ano'ng petsa na at ngayon lang ako nag-blog uli dito? Hehehe. Mahirap talagang kalaban ang katamaran dahil ang kalaban ang sarili mo. Pero natutuwa naman akong ipangalandakan na buhay pa naman ako. Nakapagpasa na rin sa wakas ng isa pang MS (after 3 months KA. LO. KA) at ngayon ay nagpa-plano na naman para sa susunod. Karir kung karir na itech dahil kelangan ko ng income dahil meron na naman akong naiisip na panibagong plot.


Siya lang naman ang current obsession ko sa mga oras na ito. Parang kailangan kong magpa-blood transfusion 'pag nakikita ko ang pez niya. At dahil diyan, ikaw, Satoshi Tsumabuki, ang magiging dibuho ko sa ika-apat kong MS!

Nakakaloka nga dahil as I write this, unti-unti nang nabubuo ang mga scenes sa utak ko. Konting development lang, pwede na! Sana naman ay bisitahin ako nito sa panaginip para naman ma-inspire pa lalo ako'ng magsulat. :)

Sige, tsaka na ang chika. Makapag-plot na nga muna. :D